November 18th, 2008
Minsan lang o.
Shit.Alamo ba kung gano ko kasaya ngayong araw na to kahit hindi tayo nagkita.Like ansaya saya ko kasi damang dama ko yung sweet na hirit mo sakin.Alam ko wala na tayo sa honeymoon stage.Madami na ngang almost break up stage e.Pero wala e.Yung pagpunta mo ng Macau yung makakapagpahiwalay siguro satin ng tuluyan.Pero ayakong mangyari yun.Kasi...
-
Kasi kahit tentative date pa yun ng pag alis mo,ibig sabihin malapit ka na talaga umalis.
-
Kasi ayaw kong hindi kita nakikita araw araw.
-
Kasi ayaw kong may mabago sating dalawa.
-
Kasi sigurado pagdating mo dun magiging malabo lahat.
-
Kasi hindi na ko sanay pano pa pag wala ka.
-
Kasi wala ng magaalaga sakin.
-
Kasi wala ng magsasabi sakin na napaka isip bata ko at tigilan ko kalokohan ko.
-
Kasi wala ng magaantay sakin umuwi sa madaling araw.
-
Wala ng kakatok sa pintuan ko ng 4am para ikiss at ihug lang ako.
-
Wala na kong aasarin sa simbang gabi pag patama yung gospel ni Father.
-
Hindi ko maririnig ngayong Pasko na to yung pagkanta mo ng Alleluia.
-
Kasi wala ng kukurot sa kili kili ko.
-
At Hindi ko na din mahahatak yung buhok mo sa kili kili.
-
Hindi na kita mababatukan.
-
Kasi eto yung pinakapanget na birthday gift na matatanggap ko!
-
Kasi paggising ko sa umaga ng 28,wala na kong matatanggap na good morning text galing sayo.
-
Wala ng Howe ko.
-
Wala na kong matangkad na bodyguard.
-
Wala na kong ka debate sa mga chismis sa TV.
-
Wala na kong dadalawin sa shooting para siguraduhin na okay ka.
-
Kasi wala na ko kasabay pumasok sa office.Wala na din susundo sakin.
-
Wala na kong kasama manuod ng sine.
-
Pag nalalasing ako wala na maglilinis ng kalat ko.
-
Kung dahilan lang para di ka umalis,I CAN GO ON ALL NIGHT.
-
In short, AYAW KITANG UMALIS.
